Pangarap ko ang makalayo Sa pangarap ko na dinulot mo Ang matulog sa gabi nang di alintana ang ginaw At di humihiling na ang kapiling ay ikaw Ikaw na rin ang minsang nagbanggit Sa mga katapusang hindi mo maipipilit Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas Matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas Sa mga sakit na dulot nang Iyong di paglingon Iyong di pagtanaw Iyong di pagtugoN Kung minsan pa'y Iaalay sayo itong gabi At ipinapangako kong Ito na ang huli Hindi na maghahangad nang di mo maibabalik Isang unos ang muling susuungin Isang kasinungalingan ang yayakapin Mamamatay ang ilang kapalit ng isang pagkakaibigan Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan Ng mga sakit na dulot nang Iyong di paglingon Iyong di pagtanaw Iyong di pagtugoN Kung minsan pa'y Iaalay sayo itong gabi At ipapanalangin kong Ito na ang huli Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag at itatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad Ng mga sakit na dulot nang Iyong di paglingon Iyong di pagtanaw Itong aking tugon Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi Minsan pa'y iaalay sa'yo itong gabi mmmmmm