CAPO 5TH Nakaupo, tulala; Nag-iisa sa mga kuliglig sa labas At baka naman, ako'y pakikinggan Inaalala ang araw Na kumikinang Ganoon ako tuwing nakikita ka; Aking liwanag sa dilim [PRE-HOOK] At nung yinakap mo ako Tila ba'ng nawala Ang problema sa mundong puno ng kasakiman 'Wag ka munang bumitaw, aking sinta [HOOK] 'Di ko kayang numingning kung wala ka Malungkot ang gabing malamig Kung wala ang iyong init Wala nang kulay ang paligid Wala nang buhay ang daigdig Kung wala ka sa aking tabi - - - - - - - - - Mahal kong Sol Ako si Luna Tayo ba ay ipinagtadhana ng sansinukob? Ngunit, tayo ay ipinaglayo Namumula tuwing tayo'y Magkaharap habang Hawak ang 'yong kamay Aking susulitin ang munting sandali [PRE-HOOK] At nung kinantahan mo ako Tila ba'ng huminto Ang oras bago pang sumapit ang bagong taon Binabasa ang liham habang suot ang regalong kwintas Puwede bang balikan ang nakaraan? [HOOK] 'Di ko kayang numingning kung wala ka Malungkot ang gabing malamig Kung wala ang iyong init Walang kulay ang aking paligid Walang buhay ang aking daigdig Kung 'di tayo magkatabi [MELODICA] Ika'y mamahalin kahit 'di mo na ibig ang aking damdGmin Naaalala mo pa ba Ang mga araw na masamit Nung tayo'y magkasama? Abot ang ngiti sa malayong bituin Kumusta ka? Okay ka lang? Pagod ka na yata Sa katorpehan ng tao O baka naman sa akin pala