KORO: Sino pa'ng tutulong sa 'yo kundi ang katulad Ko, kaibigan mo Ako. Sa Akin mo sabihin ang problema mo. At magtiwala kang di ka mabibigo. Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa, at may karamay ka sa 'yong pagdurusa. Kapag nasaktan ka ay h'wag kang susuko. Kahit may takot ka ay h'wag kang magtago. Di ka nag-iisa, kasama mo Ako. Tawagin mo lamang, di ka mabibigo. KORO: Kaibigan kita, kaibigan tuwina. Sino pa'ng tutulong sa 'yo kundi ang katulad ko, kaibigan mo Ako. Ngayon nalaman mo na may kasama ka. Hinding-hindi kailanpaman mag-iisa. Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa, at may karamay ka sa 'yong pagdurusa.