Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kalul'wa. At siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa. Pag-ibig ang siyang buklod natin, di mapapawi kailan pa man. Sa puso't diwa, tayo'y isa lamang, kahit na tayo'y magkahiwalay. KORO: Pagkat ang 'yos nati'y 'yos ng pag-ibig, Magmahalan tayo't magtulungan at kung tayo'y bigo Ay h'wag limutin na may Diyos tayong nagmamahal. Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo: Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo. Wakas: Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.