ANG GABI Narda 2x Isang handaan, maraming kaibigan na di akalaing dalawang pusong magtatagpo- isang binata at isang dalagang malambing Nagkuwentuhan, saradong kanilang mundo Walang pakialam sa iba pang mga dumalo Nagtayo sila ng malaking dingding At nang hipan nang kandila, tuloy-tuloy pa rin ang saya Maaga pa naman ang gabi Sa inuman, nagkabistuhan na may tinatagong lihim nang apat na taon Bukung-buko sa mga matang maningning Natamaan, hindi na nagpasundo Panay ang ikot ng kamay ng lumang relo Hinihintay ang tamang oras dumating At nang maiwan na sila, puro na lang salita Wala rin namang nangyari kagabi Nang umaga, sila'y nagising na kalat nang balita na sila na pala talaga ngunit walang may alam sa nangyari sa dilim for comments and suggestions e-mail::: jezz_zie_y@yahoo.com