» 
 » 
Marie Angelica Dayao - Mga Anak Ng Hangin



Текст песни Misc Unsigned Bands - Marie Angelica Dayao - Mga Anak Ng Hangin

Marie Angelica Dayao - Mga Anak Ng Hangin
Misc Unsigned Bands
Mga Anak ng Hangin
Composed by Marie Angelica Dayao (Conductor of UPLB Harmonya)

BERSO I
Naririnig mo ba kami aming Bathala?
Sa mga hampas ng alon sa lambat
Sa taghoy ng araro at ng kalan
Sa mga siwang ng bubong at dingding

KODA
Laganap ang lason sa daigdig
                           A   
Naghihingalo ang ating panaginip
Ang sambayanan ay naghihirap
Walang awit ang mga pangarap

KORO
Kami ang mga anak ng hangin
Tagapagdala ng mga hinaing
Ng sangkatauhang ngayo'y humihiling
Na ang kanilang dasal ay dinggin

INSTRUMENTAL

BERSO II
Sa bitak na lupa ng tagtuyot
Sa dagundong ng baha at ng bulkan
Sa mga pasmadong katig at layag
Ng mga bangkang nilamon ng laot

KODA
Laganap ang lason sa daigdig
                           A   
Naghihingalo ang ating panaginip
Ang sambayanan ay naghihirap
Walang awit ang mga pangarap

KORO
Kami ang mga anak ng hangin
Tagapagdala ng mga hinaing
Ng sangkatauhang ngayo'y humihiling
Na ang kanilang dasal ay dinggin

KORO
Kami ang mga anak ng hangin
Tagapagdala ng mga hinaing
Ng sangkatauhang ngayo'y humihiling
Na ang kanilang dasal ay dinggin
Ay dinggin
https://lyrics.primoaccordo.net/misc-unsigned-bands/marie-angelica-dayao-mga-anak-ng-hangin.htm