Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Andres Bonifacio / Inang Laya http://youtu.be/W4Q0EEGA6rc Capo 3 - -- - Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya - Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa - Aling pag-ibig pa Wala na nga, wala - Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong wagas Sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod - Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating - Ng pagkatimawa ng mga alipin - Liban pa sa bayan, saan tatanghalin Sa abang-abang mawalay sa bayan - Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay Walang alaala't inaasam-asam -- Kundi ang makita'y lupang tinubuan Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak - Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat Ng bala-balaki't, makapal na hirap Muling manariwa't sa baya'y lumiyag Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit Ito'y kapalaran at tunay na langit - Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya - Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa - Wala na nga, wala