-(/)--(/)- Kapeng aking tinitimpla Lagi ngayong lumalamig +M7 Di ko malaman kung kulang sa tamis Tasang walang kibo sa 'ki'y nakatitig Ako't siya'y naghihintay -- Masagi ng iyong bibig Buhok na mahaba, iniingat-ingatan mo +M7 Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito Marahil ay pagod lamang ang aking isipan At di ko napansin at hindi tinutulan Huwag kang mag-alala, di ako iiyak Di magdaramdam kahit na ga-patak Pag-ibig na minsan na nating dinanas -(/)--(/)- Sa tulad kong putik, tama na at sapat Pintong dati-rati'y bukas sa aking pagdating +M7 Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin (/) Kahit mahina pa, sana ay 'yong sagutin Kay linis ng silid, walang nakakalat +M7 Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap Sanggol na nasanay, nasanay sa ama Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa (Repeat Chorus except last word) - ... sapat (Repeat Chorus) -(/)--(/) Sa tulad kong putik, tama na at sapat. Ooh hooh...